Urbana de Manila
Sa bawat paggising ko sa umaga
Mga gusali aking nakikita
Sa lungsod na aking kinalakihan
Wala ng kalikasan ang natatamnan
Marahil ito na ang pag-usad ng bagong heneracion
Nais ibalik ang tamis ng lumang panahon
Na ang mga nilalang ay mapayapa at mahinahon
Ngunit hindi na kailanman maibabalik iyon
Ito'y magsisilbing alaala na lamang ng nakalipas na taon
'Pag ako'y nagawi sa provincia
Ang pananabik sa simoy ng hangin aking ikinasasaya
Mga tanawin na siyang nakakaantala
Lungkot at lumbay ay sadyang nawawala
Mabilis ang takbo ng oras sa lungsod
Ang mga tao'y mapusok sa paglago ng bagong heneracion
Hindi na natin pansin ang ating mga nasira
Makamtan lang ang pansariling hangarin sa karangyaan.
![]() |
| Binondo Noon |
![]() |
| Binondo Ngayon |

